ISBN-13: 9781494224080 / Tagalog / Miękka / 2014 / 332 str.
Ahhhhh, ang ating bida..... Kontrolado ang bawat kilos at galaw, hindi siya tipong pang-matinee-idol pero iba ang kanyang dating, may aura siya na kakaibang hindi mo makikita sa pankaraniwang lalaki, 'yung tinatawag na karisma at sex appeal, kung sa mga modelo ay 'yung tinatawag na x-factor. Tama lamang angpangangatawan para sa kanyang taas na 5' 9." Simpatiko, 'yung tipong kapag nakasalubong mo ay bibigyan mo pa ng second look. Para sa kanya ay ordinaryo at simpleng lalaki lamang siya, parang 'yung kanta......." maginoo pero medyo bastos," ala-GIMO, parang si ROBIN, idol nga 'nya 'yan eh. Hindi kataka-takang marami ring mahuhumaling sa kanyang babae, pero iba siya, stick to one at ayaw ng may pinagsasabay......pampered ang babae sa kanya, kung tratuhin niya ang mga ito ay parang prinsesa. Malambing at napaka-romantiko, para sa kanya ay dapat igalang ang mga babae, dahil sa kanilang sinapupunan daw tayo nabuo bilang isang tao at siyam na buwang nagpakahirap para mailuwal tayo at mamuhay sa mundo. Malawak ang pang-unawa at pag-iisip, mahusay makipag-kapwa, adjustable o flexible personality, puwedeng pang-A-class o A-la class. May pagkatahimik at mahiyain din minsan pero mahilig sa party o social gathering, at sa nightlife, yung maraming crowd, naaaliw siyang maraming nakikitang tao lalo't ito'y mga nagsasayang katulad niya, para sa kanya ay " life is too short to live " kaya dapat magsaya at mag-enjoy kaagad sa buhay, hindi 'yung kapag amoy-lupa ka na ay saka pa lang magsasaya at mamumulat ka sa katotohanang napaglipasan ka na ng panahon at sasabihin mo sa sarili na "matanda na ako," at magkwekwento na....." ganyan din ako noong kabataan ko.......pero..," parating may "pero," dahil hindi mo raw naranasan ang mga ito.....may regrets...paano, matanda ka na at hindi mo na maibabalik ang panahon..........sabi niya, paano ka ngayon magpapayo sa mga kabataan, eh ikaw mismo ay hindi mo napagdaanan, niloloko mo lang daw ang sarili mo.....ang sabi niya ay okey lang daw lahat basta alam mo ang limitasyon mo......ang kakayahan mo.....( parang si SHANE NICOLE na bagong GF ni DANNY, she knows her capabilities and just enjoying life ), dapat kaya mong kontrolin ang sarili mo.......disiplina lang daw sa sarili sabi niya...... " we are not free until we are master of ourself " ang parati niyang ipinapayo sa ibang tao, para sa kanya......"life is a choice, every seconds that ticks counts." Marami siyang magagandang katangian........mababa ang kalooban at hindi mayabang, matulungin sa kapwa, mahaba ang pasensiya at hindi nagtatanim ng galit......marunong makinig......makiramdam sa damdamin ng ibang tao........mga katangiang taglay niya na lalong nagpatingkad sa panglabas niyang kaanyuan at pagkatao. Kaya minsan hindi maiwasang mga babae na ang lumalapit at nanliligaw sa kanya, pero 'wag ka, diyan ako bilib sa kanya, hindi niya ito sinasamantala kahit batid at arok niya ang bawat himaymay at galaw na ipinapahiwatig sa ikinikilos ng isang babaeng kaharap niya.........parati niyang tinatanong ito..." I-add mo na lahat, I-minus ang kaunti, I-times sa natira at I-divide sa equals ng tatlo.........anong sagot mo?.....," katuwiran niya ay iisa lamang siyang nilalang sa mundo at walang kapares oo katulad.....isa siyang normal na tao na nabubuhay at napapaligiran ng kamunduhanTeka, teka.......napapalayo at nawawala na tayo sa istorya........bored ka na ba?.......wala pa nga tayo sa kalahati eh......anyway ...... pagtiyagahan mo ng tapusin basahin ang istorya..........marami ka pang malalamang sorpresa at sikreto......gaya ng sinasabi ko kanina........malalim ang pagkatao ng ating bida......at tulad ng sinabi ng class adviser niyang si MRS. MEJIA sa kanilang class prediction and prophecy para sa high school yearbook noong magtapos siya sa SAINT JOHN.........MAHIWAGA AT MISTERYOSO.SINO BA SIYA?.......AH, WALA TAYONG PAKI-ALAM