ISBN-13: 9781461029663 / Angielski / Miękka / 2011 / 348 str.
Ang aklat na ito - Mga Liham-Patungong Dambana (or Letters-to Matrimony) ay tunay na buhay at kasaysayan ng dalawang pusong pinagtali ng tunay at wagas na pag-ibig at pagmamahalan. Isang dalagang guro, at isang kawal ng Sandatahang-Lakas, na sa halos tatlong taon ang ugnayan lamang sa panulat, sa dakong huli ay tinudla na rin sila ng palaso ni Cupido. Sa Malacanang Press Office sila unang nagkita ng personal. Ang sundalo nuon ay naka-detail buhat sa AFP Signal Corps, at ang guro naman ay nagbakasyon lamang sa Maynila buhat sa pagtuturo sa Central Mindanao University sa Musuan, Bukidnon. Pagkabalik ng dalaga sa Mindanao ay lalong sumigla ang kanilang balitaan sa liham. Sa kanilang mga pag-uusap ay nasabi ni Miss Paller na nung estudyante pa siya ay pinaka-ayaw niyang aralin ang National Language. Sa mungkahing-pakiusap ng binata, sila ay nagkasundo: Pagkabalik ni Miss Paller sa Mindanao ay Visayan ang kanyang pagsulat at ang pagsagot naman ni Renne ay sa Tagalog. Pagkaraan ng anim na buwan ay pinagbuklod at pinag-isa na ang kanilang mga puso nung ikinasal sila sa Malaybalay (City na ngayon), Bukidnon. Kaagapay ng paglimbag ng aklat na ito ang mataimtim na pag-asa na sana ang mga karanasan ng dalawa ay maging huwaran sa mga pagsusulatan, pagkakaibigan, at pagliligawan ng mga kabataan sa kasalukuyan, at sa susunod pang mga panahon."