ISBN-13: 9781482626308 / Tagalog / Miękka / 2013 / 112 str.
My Autobiography - Ako si Jessica Flores Napat, Ina ng dalawa kong anghel, Charlene Faye and Jessamae. Ipinanganak noong April 28, 1978 sa Sta. Cruz, Pandan, Antique Isla ng Panay. Nagtapos ng Highschool sa Pandan Bay Institute Pandan Antique. Nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Aklan State University Ibajay Campus (ASU). Nakapag-training at nakapagtapos bilang Caregiver sa loob ng anim na buwan sa Lifeline International Caregiving Training Center sa Kalibo Aklan. Limang taong naging OFW sa Saudi Arabia( 2007-2010), at bilang Secretary sa isang Labour Supply Agency sa Dubai (2010-2012). Kasalukuyang Entrepreneur ng Alliance In Motion Global INC. Mahilig akong magsulat, isa sa naging libangan ko ang mag share ng articles sa mga pages sa facebook. Nabigyan ng pagkakataong maibahagi ang mga naisulat sa Tagpuan ng mga OFW (new version), Definitely Filipino, Huntahan the OFW lounge, OTUSA.TV at Adobo.channel pages. + + + Introduction - "Porke't nag-abroad 'yan akala mo kung sinong mayaman " Iyan ang bansag sa halos lahat ng OFW kahit saan mang lugar sa Pilipinas kapag nag- abroad ka at pag-uwi mo na hindi kana lumalabas ng bahay dahil walang pera, ay 'yan kaagad ang maririnig mo sa kanila. "Ganyan ang Buhay OFW." Ang aklat na ito ay tungkol sa k'wento ng bawat OFW, mga karanasang makapagbigay linaw na hindi lahat ng nag -abroad ay mayaman, mayabang, at kung anu-ano pang bansag ng mga tao sa mga naging OFW. K'wento din ng bawat Filipino na pinagkaitan ng magandang kapalaran, hindi lamang para sa mga OFW kundi para din sa mga mamamayang Filipino na medyo nakalimot na sa sariling pinagmulan. At ang mga k'wento ng tagumpay sa bawat hirap at pagpupuyat sa facebook ng mga OFW. (more inside the book)