ISBN-13: 9781500901059 / Tagalog / Miękka / 2014 / 112 str.
ANG ALAMAT NG PASSPORT: mula sa panulat ni Ompong Dilat, ang tagamulat ng mga alamat "May mga bagay na hindi pero pwede May mga bagay na pwede pero hindi Kung pwede lang sana, hindi na lang sana..." - ompong dilat - Introduction Bakit nga ba kailangang sumakay sa bakal na may pakpak? Kailangan nga ba talaga nating lumaklak? Para saan nga ba ang kulay asul na papel? Para sa pamilya? Para sa makinilya? O para kay Pilya? Ito na lang ba ang natitirang paraan? Handa ka bang mawala ang nakaraan? Baka mapunta ka kung saan? Kailangan mo ba talagang lumipad? Kaya mo ba'ng abutin ang tuktok? Huwag mo'ng itutok at baka ito'y marupok Kaya mo bang mang-iwan? Baka ikaw ang ma-ewan Mahirapan ka kaya? Kayanin mo kaya? Di bale na lang kaya? E paano kung marami ka nang pera? Baka lagi kang tumira ng karera? Sasaya ka kaya? Makuntento ka kaya? Paano kung nadala ka ng emosyon? Handa ka ba'ng mangunsumisyon? Paano kung malason ang iyong utak? Handa ka ba sa mga putak? Maapektuhan kaya ang mga desisyon mo sa buhay? Sana may uuwian ka pang bahay Ano nga ba talaga ang mas mahalaga? Ang buhay nga ba o bahay? Ito nga ba ang ating pasaporte sa ating hilaw na mga pangarap? Maaari pa bang itama ang mga bagay na may ekis? Maaari pa bang ibalik ang mga bagay na tunay na mas halaga? May mga bagay na hindi pero pwede May mga bagay na pwede pero hindi Kung pwede lang sana, hindi na lang sana...